Brigada 2021

Brigada Eskwela 2021: Bayanihan para sa Paaralan! 

 

Halina’t makiisa na sa Brigada Eskwela 2021 ngayong Agosto 3 hanggang Setyembre 30 na may temang “Bayanihan para sa Paaralan.

Ang tema ng Brigada Eskwela 2021 ay nagmumungkahi nang pagbabayanihan upang matugunan ang pangangailangan ng paaralan sa tulong ng komunidad, magulang at mga nagmamahal rito, upang mas maging malinaw ang pag abot ng mga pangarap ng mga mag-aaral ng Concepcion Technical Vocational School, Taong Panuruan 2021-2022.

Published by Gilbert Rimorin

Mag bayanihan tayo!

Muli ang Concepcion Technical Vocational School ay dumudulog sa inyong mga ginintuang puso para sa ating Brigada Eskwela 2021.

Ang lahat ng tulong na inyong ipapadala ay gagamitin para sa ikauunlad ng ating paaralan, para sa bata at para sa bayan.

Isang malaking pasasalamat ang hatid ng CTVS para sa inyong mga ipapahatid na donasyon. Maaring mag padala ng mga sumusunod na donasyon:

1.Thermal Scanner
2.Facemask
3.Alcohol, sanitizer o hand soap
4. Disinfectant
5.Face Shield
6.Health kit and Multivitamins
7. Printer and Ink 8. Cellphone o Tablet
9.Computer o Laptop

 

Maaring tumawag o ipagbigay alam sa aming Brigada Eskwela Focal Person ang anumang donasyong nais ibigay.

Published by Gilbert Rimorin

Leave a Comment